^

Probinsiya

Trader, 1 pa dedo sa aksidente

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi na umabot pa sa pagsalubong ng bagong taon ang dalawa katao makaraang maaksidente sa hiwalay na lugar sa bayan ng Norala, South Cotabato kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni P/Chief Inspector Marifel Maganto, hepe ng Norala Police ang unang biktima na si Roger Floro, 40, negosyante, nakatira sa General Santos City na nagtamo ng matinding sugat matapos na tumilapon sa sementadong kalsada at dead-on-arrival sa Norala District Hospital.

Lumalabas na nabangga ng minamanehong motorsiklo ng biktima ang stockpile sa tabing daan ng Brgy. Poblacion, Norala, habang patungong Brgy. San Jose, sa nasabing bayan alas-12:30 ng madaling araw. Samantala, patay din sa “hit and run” ang 17-anyos na out of school youth na si Vincent Calibayan sa Brgy. San Miguel, Norala South Cotabato matapos na mahagip ng humaharurot na pickup truck habang siya ay naglalakad lamang sa tabing daan dakong alas-2:30 ng madaling araw.

vuukle comment

SOUTH COTABATO ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with