^

Probinsiya

Guro kinatay ng pamangkin

Gary Bernardo - Pilipino Star Ngayon

ANGELES CITY, Philippines — Karumal-dumal na kamatayan ang sinapit ng isang guro sa kamay ng kanyang pamangkin makaraang saksakin ng 27 beses at pagnakawan sa loob ng kanyang bahay noong Linggo ng madaling-araw sa Purok 5, Barangay Margot, Angeles City.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni P/Chief Insp. Fercel Deloria Station 5 Police commander, kinilala ang biktima na si Elena Anunciacion, 50, residente sa nasabing barangay habang ang suspek ay si Adrian Munioz, 32, ng Purok 1 West, Barangay Sapang Bato, Angeles City.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong ala-1:11 ng madaling araw nang magpadala ng  text messages ang biktima sa kanyang kapatid na si Rosario Ordonez upang ipinaalam na ang kanyang “manugang” ay nasa kanyang bahay sa ‘di malamang dahilan.

Nadiskubre na lamang ang katawan ng biktima pasado alas-4:30 ng umaga na naliligo sa sariling dugo at wala nang buhay dahil sa tinamo nitong 27 na saksak sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan.

Pagnanakaw ang nakikitang motibo sa krimen dahil nawawala ang isang Samsung J7 ng biktima na tinatayang nasa P10,000 at cash na hindi pa malaman ang halaga.

Sa isinagawang operasyon ng pulisya, agad namang nadakip ang suspek na nahaharap sa kasong robbery with homicide kasalukuyang nakapiit sa police station 5 detention cell.

vuukle comment

STABBED TO DEATH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with