^

Probinsiya

Negosyanteng lola todas sa holdap

Boy S. Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang 74-anyos na negosyanteng lola ang nasawi matapos pagbabarilin ng ‘di pa natutukoy na tandem na holdaper makaraang holdapin habang sakay ng tricycle sa Brgy. Poblacion sa bayan ng San Miguel, sa lalawigan ng Bulacan, kamakalawa ng gabi.

Dalawang tama ng punglo sa katawan ang kumitil sa buhay ng biktimang si Juanita Sta. Ana, biyuda, residente sa naturang lugar, at nagmamay-ari ng isang tindahan sa pamilihang bayan habang mapalad namang hindi sinaktan ang dalawang kasama nito sa tricycle.

Blangko naman ang pulisya sa pagkakakilanlan ng mga suspek na pawang mga nakasuot ng face mask nang maganap ang insidente.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-6:00 ng gabi habang sakay ng tricycle ang biktima kasama ang tauhan na si Judy Ann delos Santos, 21, at drayber na si Joselito Pascual, 33, galing sa kanilang tindahan sa pamilihang bayan at papauwi na sa kanilang tirahan nang sa isang lugar sa nasabing barangay ay biglang sumulpot ang mga salarin kung saan agad na nag-deklara ng holdap.

Puwersahang kinukuha ng mga suspek ang bag ni Sta. Ana ngunit sa halip na ibigay na lang ito ay nakipagbuno pa dahilan upang paputukan ng mga suspek nang dalawang beses ang biktima na siyang ikinasawi nito.

Agad na tumakas ang mga suspek tangay ang bag ng biktima na naglalaman ng P5,000 na kita ng tindahan.

vuukle comment

CRIME SCENE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with