^

Probinsiya

Terorista tumba sa engkuwentro

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang sinasabing miyembro ng Dawlah Islamiyah, Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) inspired terrorists group matapos maka-engkuwentro ang pinagsanib na elemento ng pulisya at militar sa Sitio Lawis, Brgy. Airport, Ormoc City, Leyte kahapon ng umaga.

Kinilala ng mga otoridad ang napatay na suspek na si Joseph Anulga Jr., alyas ‘Dawud’.

Batay sa ulat, dakong alas-6:00 ng umaga nang magsagawa ng operasyon ang mga elemento ng Criminal Investigation and Detection Group at mga tauhan ng Military Intelligence Group (MIG) 24, Army’s 802nd Infantry Brigade laban sa gun-running na aktibidades ng suspek nang pumalag ito at kumasa sa security forces hanggang sa mapaslang sa gitna ng engkuwentro.

Nabatid na si Dawud ay may kinalaman sa nasilat na pambobomba sa US Embassy noong Nobyembre 2016, at itinuturo rin na nasa likod ng pambobomba sa Hilongos noong Diyembre 2016 .

Nabatid pa sa mga awtoridad na plano na ring mag-Hijrah ng suspek o sumapi sa local terrorist groups sa kampo ng mga ito sa Mindanao at mamatay bilang martir ng Islam.

vuukle comment

ISIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with