^

Probinsiya

2 dedo, 21 timbog sa drug ops

Boy S. Cruz - Pilipino Star Ngayon
2 dedo, 21 timbog sa drug ops
Kasalukuyan pang ina­alam ang pagkaka­kilanlan ng unang nasawi na may alyas na ‘Oliver’, nasa hustong gulang, residente ng Brgy. Taal, Pulilan habang kinilala ang isa pang suspek na si Ferly Dela Cruz, alyas ‘Toto’, nasa hustong gulang ng Brgy. Mabolo sa Malolos City.

MANILA, Philippines — Dalawa pang mga notoryus na tulak ng shabu ang nadagdag sa listahan ng mga nasawi matapos na manlaban sa ikinasang drug bust operation sa magkahiwalay na lugar sa Brgy. Taal, Pulilan at Brgy. Mabolo sa Malolos City, habang 21 iba pa ang nadagdag din sa mga naaresto na may kinalaman sa droga sa iba pang operasyon sa iba’t ibang bayan dito sa lalawigan ng Bulacan, Huwebes ng magdamag.

Kasalukuyan pang ina­alam ang pagkaka­kilanlan ng unang nasawi na may alyas na ‘Oliver’, nasa hustong gulang, residente ng Brgy. Taal, Pulilan habang kinilala ang isa pang suspek na si Ferly Dela Cruz, alyas ‘Toto’, nasa hustong gulang ng Brgy. Mabolo sa Malolos City.

Kasalukuyan namang nakadetine na ang mga 21 kataong na­­arestong suspek na nag­mula sa mga bayan ng Santa Maria, Pulilan, Baliwag, Guiguinto, Malolos City, Meycauayan City, Marilao at sa bayan ng Bulakan.

Narekober sa magkahiwalay na lugar ng shootout ang dalawang kalibre.38 baril, mga basyo ng bala,18 sachet ng shabu,11 sachet ng marijuana, isang sling bag, P800 pisong marked money at personal na kagamitan habang narekober naman sa mga naarestong suspek ang 40 pakete ng shabu, iba’t-ibang drug paraphernalias at mga marked money na ginamit sa ope­rasyon.

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with