^

Probinsiya

Buntis na GRO kinatay ng nobyo

Boy S. Cruz - Pilipino Star Ngayon
Buntis na GRO kinatay ng nobyo
Naisugod pa sa pa­gamutan ngunit sawing-palad na idineklarang dead-on-arrival bunsod ng maraming tama ng saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Ann Arcega, 30-anyos, at residente ng Brgy. Matictic sa bayan ng Norzagaray.

MANILA, Philippines — Pinaniniwalaang ma­tinding selos ang dahilan upang sapitin ng isang Guest Relations Officer (GRO) na tatlong buwang buntis ang kalunus-lunos na kamatayan sa kamay ng kanyang nobyo matapos ataduhin ng saksak habang nagtatalo sa isang lugar sa Brgy. Maronquillo sa bayan ng San Rafael sa Bulacan, kamakalawa ng mada­ling araw.

Naisugod pa sa pa­gamutan ngunit sawing-palad na idineklarang dead-on-arrival bunsod ng maraming tama ng saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Ann Arcega, 30-anyos, at residente ng Brgy. Matictic sa bayan ng Norzagaray.

Agad namang na­dakip sa isang follow-up operation ng mga otoridad ang suspek na si Jayson Bidaja, 34, binata, taga-Brgy. Pulo sa bayan ng San Rafael.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-12:30 ng mada­ling araw nang puntahan ng suspek ang biktima sa pinapasukan nitong establisyimento upang yayaing kumain ng lugaw kasama ang isa pang kaibigan ng biktima na si Agnes Antiquerra, 20.

Sakay ang tatlo ng minamanehong motor ng suspek nang patungo na sa lugawan nang magkaroon umano ng pagtatalo ang magnobyo dahilan upang ibaba ng suspek ang magkaibigan sa harapan ng isang paaralan at saka umuwi para kumuha ng isang mahabang patalim.

Nang makabalik sa naturang lugar ay mu­ling nagtalo ang dalawa kung saan dito na walang habas na pinagsasaksak ng suspek ang biktima hanggang sa duguang bumulagta habang agad namang nakatawag ng responde ang kaibigan nito na nag­resulta sa pagkakaaresto nito at pagkakarekober ng kut­silyong ginamit sa pamamaslang.

vuukle comment

STABBED TO DEATH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with