^

Probinsiya

Board member, misis at konsehal huli sa P3-M shabu

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Board member, misis at konsehal huli sa P3-M shabu
Nasa kustodya na ng PDEA-10 ang naarestong board member ng 1st District ng Lanao Del Sur na si Hussein Magandia at si Councilor Amienquallied Dimal habang iprinisinta (inset) sa media ni PDEA regional director for Autonomous Region in Muslim Mindanao Juvenal Azurin ang mga droga na nagkakahalaga ng P3 milyon at iba pang items na nasamsam sa tahanan ng naturang board member matapos ang isinagawang pagsalakay ng mga awtoridad kahapon.
(Kuha nina Gerry Lee Gorit at John Felix Uson)

MANILA, Philippines — Arestado ang tatlo katao kabilang na ang mataas na opisyal ng Lanao Del Sur at misis nito kasama ang isang konsehal ng Marawi City sa ikinasang anti-drug operations ng mga awtoridad sa Brgy. Tubod, Iligan City, Lanao Del Norte kahapon ng umaga.

Kinilala ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang inaresto na si Lanao del Sur Board Member Hussein Magandia sa pagsalakay sa bahay nito sa Iligan City, Miyerkules ng umaga.

Sinabi ni PDEA Region 10 Dir. Wilkins Villanueva na inaresto rin nila ang misis ni Magandia na si Norhainah at si Marawi City Councilor Amienquallied Dimal.

Aniya, isinilbi nila ang search warrant sa bahay ng mag-asawang Magandia sa Barangay Tubod bandang alas-5:30 ng madaling araw.

Sa paghalughog sa bahay, nadiskubre ang kalahating kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P3.4 milyon at isang baril.

Ayon kay Villanueva, si Magandia ay miyembro ng “Iwaram Drug Group” na nagpapakalat ng shabu sa Marawi City, Lanao del Sur at Lanao del Norte. 

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with