^

Probinsiya

Misis pumalag sa rapist, minartilyo sa ulo tigok

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Misis pumalag sa rapist, minartilyo sa ulo tigok
Tigmak sa sariling dugo dahil sa basag na bungo na nasawi noon din ang biktimang kinilalang si Sharon Corpuz, may asawa, at residente ng Brgy. Bokong ng nasabing lugar.

MANILA, Philippines — Kalunus-lunos ang sinapit na kamatayan ng isang 36-anyos na ginang matapos siyang pagpupukpukin ng martilyo nang pumalag siya sa manyakis nilang kapitbahay na nagtangkang halayin siya sa Labangan, Zamboanga del Sur kamakalawa ng hapon.

Tigmak sa sariling dugo dahil sa basag na bungo na nasawi noon din ang biktimang kinilalang si Sharon Corpuz, may asawa, at residente ng Brgy. Bokong ng nasabing lugar.

Samantala makaraan ang krimen ay tumakas subali’t makalipas ang ilang oras ay kusang-loob ding sumuko sa pulisya ang suspek na si Jomar Braga, 20, binata, walang trabaho.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-1:30 ng hapon nang pasukin ng suspek sa bahay ang biktima na noo’y nag-iisa lamang at dito ay sinibasib siya ng halik , pinaghihipuan sa maseselang bahagi ng katawan at tinangkang halayin.

Nanlaban ang ginang sa masamang balak ng suspek dahilan upang mairita ang suspek na mabilis na nahagilap ang martilyo at ilang beses na hinataw sa ulo ang biktima hanggang sa mamatay.

Kasalukuyan na ngayong humihimas ng rehas na bakal ang suspek na nahaharap sa kasong kriminal.(Rhoderick Beñez)

vuukle comment

WIFE RAPED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with