^

Probinsiya

Road mishap: 3 patay, 4 sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tatlo katao ang kumpirmadong nasawi habang apat pa ang nasugatan makaraang aksidenteng magbanggaan ang dalawang behikulo sa kahabaan ng national highway sa Purok 5, Brgy. Upper Tungawan, Tungawan, Zamboanga Sibugay kahapon.

Kinilala ang mga nasawi na sina Generoso Villarin, 39, driver ng kulay asul na Bongo Mazda at dalawang pasahero nito na sina Rey Ybanez, 31, at Jason Sagrado; pawang mga dead-on-the-spot.

Isinugod naman sa Tungawan Municipal Health Office ang mga nasugatan na sina Alan Tulabing, driver ng Rural Transit truck (KVM 958); mga sakay nitong sina Fe Lagumbay; Nestor Gramatica, 29 at Michael Eleno.

Ayon kay Chief Insp. Helen Galvez, spokesperson ng Police Regional Office (PRO) 9, dakong alas-5:20 ng umaga habang patungo ang Bongo Mazda na minamaneho ni Villarin sa Zamboanga City nang makabanggaan ang truck na patungo sa Ipil, Zamboanga Sibugay na minamaneho naman ni Tulabing habang bumabagtas sa lugar. Sa lakas ng banggaan, naipit sa loob ng behikulo ang tatlong biktima na dahilan ng kanilang dagliang pagkamatay.

vuukle comment

NASUGATAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with