^

Probinsiya

Mayor ng Bohol itinumba sa sabungan!

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Mayor ng Bohol itinumba sa sabungan!
Binawian ng buhay habang ginagamot sa Dagohoy Hospital sa Inabanga, Bohol si Buenavista Mayor Ronald Tirol dahil sa tama ng punglo sa kanyang ulo.
File

MANILA, Philippines — Patay ang alkalde ng isang bayan sa Bohol matapos siyang barilin sa ulo ng hindi nakikilalang tatlong suspek kahapon ng hapon sa loob ng kanyang sabu­ngan sa Buenavista, nasabing lalawigan.

Binawian ng buhay habang ginagamot sa Dagohoy Hospital sa Inabanga, Bohol si Buenavista Mayor Ronald Tirol dahil sa tama ng punglo sa kanyang ulo.

Ayon kay Chief Inspector Rolly Lauron ng Buenavista Police, dakong alas-3:10 ng hapon nang barilin si Tirol sa loob ng Buenavista Cockpit Arena.

Sinabi ni Lauron na nasa labas ng sabungan at may ginagawa ang mga bodyguard ng alkalde nang maganap ang pamamaril ng tatlong gunmen.

Mabilis namang tuma­kas ang mga hindi nakiki­lalang suspek sakay ng motorsiklo.

Idinagdag pa ng opisyal na noong mga nakalipas na taon ay pinagtangkaan na rin ang buhay ni Tirol subalit  nakaligtas siya sa tiyak na kamatayan.

Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya at sinisilip ang anggulong politika na posibleng motibo sa pamamaslang sa alkalde.

PATAY

RONALD TIROL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with