^

Probinsiya

Ex-cong., 2 bodyguard itinumba!

Raymund Catindig, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

Sa huling gabi ng kampanya

TUGUEGARAO CITY, Cagayan  , Philippines  —  Patay ang da­ting kongresista na asawa ni incumbent La Union Rep. Sandra Eriguel at dalawa nitong bodyguard matapos silang pagbabarilin ng dalawang nakamaskarang suspek habang nagsasalita ang una sa isang pagtitipon ng mga kandidato sa bisperas ng Barangay at SK elections sa Brgy. Capas, Agoo, La Union kamakalawa ng gabi.

Agad bumulagta si da­ting Congressman Eufranio Eriguel na tinamaan ng bala sa ulo habang nagtatalumpati at mga alalay na sina Bobby Ordinario at Mac Roel Tuvera na niratrat ng mga killers. ?

Ayon kay Senior Supt. Genaro Sapiera, hepe ng La Union Provincial Police Office, nasa kalagitnaan lamang umano ng pagtitipon nang bigla na lamang magkagulo at magtakbuhan ang mga tao matapos makarinig ng sunud-sunod na putok ng baril.

Paliwanag pa ni Sapiera, hindi pa nila alam ang motibo ng pamamaril na itinaon sa huling gabi ng panga­ngampanya para sa Bara­ngay at SK elections.

Si Eriguel na isa ring doktor ay nagtamo umano ng mga tama ng bala ng baril sa ulo at puso na na­ging sanhi ng kanyang kamatayan.

Nasa nasabi ring pagtitipon ang asawa ng biktima na si Rep. Eriguel nang maganap ang insidente at siya ring nagbigay ng impormasyon sa mga otoridad.

Matatandaan na noong Abril 30, 2016,  tinambangan na rin ang convoy ng mag-asawang Eriguel noong si Sandra pa ang alkalde ng bayan na nagresulta sa pagkamatay ng kanilang driver matapos na taniman ng triggering bomb ang kanilang sasakyan.

vuukle comment

BARANGAY AT SK ELECTIONS

PATAY

SANDRA ERIGUEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with