^

Probinsiya

Cook ng jail, 2 pa tiklo sa droga

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY  , Philippines  —  Kulungan ang binagsakan ng sinasabing tagapagluto sa Quezon Provincial Jail at dalawa niyang kasabwat makaraang maaktuhang nagbebenta ng ilegal na droga sa Brgy. 3, ng lungsod kamakalawa ng gabi. Sa ulat kay P/Supt.Vicente Cabatingan, chief of police dito, nakilala ang mga nadakip na sina Freddie Angeles, alyas Putik, 48, binata ng Tayabas City, Damaso Pondano, 38 ng Tiaong at Vicente del Mundo, ng Candelaria, Quezon. May isang buwan ding sumailalim sa surveillance ang mga suspek. Nang makumpirma ang kanilang transaksyon, ikinasa ng composite team ng Quezon City Drug Enforcement Unit (DEU) sa pamumuno ni P/Supt.Dennis de Leon ang buy bust operation dakong alas-7:40 ng gabi. Nakuha mula sa mga suspek ang 6 plastic sachet ng hinihinalang shabu na nasa 15.90 gramo na may street value na P50,000, ang P1,000 marked money at isang kulay berdeng Toyota Revo.

vuukle comment

ILEGAL NA DROGA

QUEZON PROVINCIAL JAIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with