^

Probinsiya

Trike sinalpok ng SUV: 1 patay

Jonie Capalaran - Pilipino Star Ngayon

SAMAL, Bataan, Philippines — Namatay habang isinusugod sa ospital ang isang tricycle driver makaraang salpukin ng SUV na nawalan ng preno sa kahabaan ng Municipal Road ng Brgy. Gugo, Samal kamakalawa ng umaga.

Kinilala ni P/Sr. Insp. Michelle Gaviola, information officer ng Provincial Police Office  ang nasawi na si Jovito Gimena, nasa  hustong gulang, may-asawa at nakatira sa Brgy. Palili, Samal.

Sa ulat ng Samal Police, dakong alas-7:00 ng gabi habang mabilis na tinatahak ng Toyota Innova (PFI 274) na minamaneho ni Maria Gregoria delos Reyes, 63, nakatira sa 10 Nibong St., Brgy. East Calaguiman, Samal patungo sa direksyon ng Eastbound nang pagsapit sa junction ng Gugo ay nawalan umano ito ng preno kung kaya aksidenteng nabangga nito ang isang Mitsukoshi Daang Hari na may sidecar (BO50411) na minamaneho ni Jovito Gimena na nasugatan sa insidente.

 Sa pagkakabangga,  sumalpok sa puno ng santol ang tricycle hanggang sa nahagip sa banggaan ang isang lalaki na si Oscar Castaneda, 50, ng Barangay Gugo na naglalakad lamang sa kalsada.

vuukle comment

ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with