^

Probinsiya

Kagawad todas sa ambush

Joy Cantos, Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

Misis na kapitana, 1 pa sugatan

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang barangay kagawad habang sugatan pa ang dalawa kabilang ang misis nitong kapitana ng barangay matapos silang paulanan ng bala ng hindi pa nakilalang riding-in-tandem sa naganap na ambush sa Brgy. Monggoc, Pidigan, Abra kamakalawa ng hapon.

Ito’y ilang linggo bago ang itinakdang Barangay at SK elections sa Mayo 14 ng taong ito.

Nalagutan noon din ng hininga sanhi ng mga tinamong tama ng punglo sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang barangay kagawad na si Victor dela Cruz Pisco, habang isinugod naman sa pagamutan ang sugatang misis ng biktima na kinilalang si Brgy. Chairwoman Elida Sales Pisco at kapatid nitong si Myrna Pisco Vasquez; pawang residente ng Brgy. Immuli, Pidigan, Abra.

Sa ulat ng Cordillera Police, dakong alas-5:30 ng hapon sa nasabing lugar, kasalukuyang lulan ang mga biktima ng kulay asul na Elf truck na bumabagtas sa Pidigan-Pilar provincial road patungong Brgy. Immuli ng nasabing bayan nang mangyari ang pananambang.

Sa pahayag ng mga testigo bigla na lamang sumulpot sa lugar ang armadong riding-in-tandem na agad na pinagbabaril ang mga biktima at mabilis na nagsitakas patungo sa direksyon ng Brgy. San Isidro at Villaviciosa ng bayang ito.

Narekober naman sa pinangyarihan ng krimen ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol.

Pinaniniwalaan namang may kinalaman sa pulitika ang motibo ng krimen habang patuloy ang masu­sing imbestigasyon sa kaso.

vuukle comment

AMBUSH

BARANGAY AT SK ELECTIONS

DEAD-ON-THE-SPOT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with