^

Probinsiya

Ex-army, binoga ng utol

Joy Cantos, Rhoderic Beñez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang retiradong sundalo makaraang pagbabarilin ng mismong kapatid nitong babae sa Sitio Ma­hulamod, Brgy. Liliongan, Carmen, North Cotabato, kamakalawa, ayon sa ulat.

Kinilala ang nasawing biktima na si Jerome Mampenayo, 45 taong gulang, dating kasapi ng Philippine Army at naninirahan sa Brgy. Katiko, President Quirino, Sultan Kudarat.

Ang suspek na kapatid ng biktima ay nakilala namang si Elena Mampenayo Orbina, 34 taong gulang.

Sa ulat, sinabi ni Supt. Bernard Tayong, Spokesman ng North Cotabato Police, nangyari ang krimen dakong alas-12:45 ng tanghali nang magtu­ngo ang biktima sa bahay ng kapatid na babae na umano’y may dalang itak upang komprontahin ang huli sa partehan sa lupaing pamana ng kanilang mga magulang.

Nang akmang papasok pa lamang si Mampenayo sa bahay ng kanyang kapatid ay pinagbabaril na siya ni Elena na agad naman niyang ikinasawi.

Narekober naman sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol na siyang ginamit sa krimen.

Boluntaryo namang sumuko ang suspek matapos na mangyari ang krimen.

vuukle comment

RETIRED SOLDIER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with