Trak vs van: 1 patay, 1 grabe
HERMOSA, Bataan, Philippines — Isang driver ng van ang nasawi habang nasa kritikal na kondisyon ang driver ng Izusu truck makaraang magkasalpukan sa bahagi ng SCTEX, Brgy. Tipo, Hermosa kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni P/Sr. Insp. Larry Valencia ang biktima na dead-on-the-spot na si Romualdo Matias, 52, may-asawa at nakatira sa Bajac-Bajac, Olongapo City habang grabe naman ang kalagayan ni Joseph Salatan, driver ng kabanggaang sasakyan, 26, binata ng Brgy. Fortune Aurora, Alicia Isabela.
Sa ulat ng Hermosa Police Station, dakong alas-8:40 ng gabi nang maganap ang salpukan habang mabilis na tinatahak ng isang Toyota Hi-Ace (USQ 737) na minamaneho ni Matias ang kahabaan ng SCTEX galing SBMA patungo sa direksyon ng Dinalupihan habang mabilis ding tumatakbo ang Izusu truck van na minamaneho naman ni Salatan patungo sa direksyon ng Subic Bay Metropolitan Authority.
Nag-over take ang Toyota Hi Ace sa kaharap niyang sasakyan subalit paparating naman ang Izusu truck van dahilan para magkasalpukan ang dalawang sasakyan.
- Latest