^

Probinsiya

Rookie cop ginulpi ng 4 senglot

Raymund Catindig, Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Natangayan ng baril ang 26-anyos na bagitong pulis matapos itong gulpihin ng apat na senglot na sinasabing miyembro ng Agaw-Armas Gang sa Barangay Cabanbanan Sur, bayan ng Gonzaga, Cagayan noong Martes ng gabi. ?

Sa police report na nakarating kay P/Chief Insp. Edgar Manuel, hepe ng Gonzaga police station, bugbog-sarado sa apat na senglot si PO1 Mac Nair Villarao matapos niyang sitahin ang apat na nagmomotorsiklo dakong alas-7 ng gabi.?

Nabatid na dinisarmahan si P01 Villarao ng cal.45 pistol habang nakahilata sa kalsada saka tumakas ang mga suspek sakay ng dalawang motorsiklo.

Isinugod naman ng mga sumaklolo ang pulis sa Alfonso Ponce Enrile Memorial District Hospital matapos ang insidente. Isa sa apat na suspek ay nakilalang si Rodel Sebastian ng Barangay Villa Leonora sa bayan ng Buguey.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with