^

Probinsiya

Magsyota dinedo sa seawall

Jonie Capalaran - Pilipino Star Ngayon

BATAAN, Philippines — Brutal na kamatayanang sinapit ng magsyota makaraang lunurin ng mga hindi kilalang kalalakihan sa bahagi ng Wetland Park sa Barangay Tortugas, Balanga City, Bataan kamakalawa ng gabi. Kapwa crew ng fastfood chain ang mga biktimang sina James Karl Guzman y Valencia, 19, binata, ng Wawa, Abucay; at Glory Mae Arbonel, 22,  ng Ala-Uli, Pilar. Base sa police report, huling namataang buhay ang magkasintahan na nakaupo sa seawall bandang alas-5 ng hapon. Gayunman, bandang alas-7 ng gabi ay hindi na nakita ang dalawa base sa salaysay ng ilang barangay tanod na nagroronda sa nasabing lugar. Si Guzman ay natagpuan na nakalutang sa karagatan ng Orion habang si Arbonel ay nakitang nakadapa sa dalampasigan at walang saplot sa katawan. Pinaniniwalaang pinatay muna ang lalaki habang pinilahan naman si Arbonel saka nilunod at inabandona sa dalampasigan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with