^

Probinsiya

6 pulis-Gapo sabit sa kasong rape

Alex Galang - Pilipino Star Ngayon

OLONGAPO CITY , Philippines  —  Anim na miyembro ng Olongapo City Police Office na isinangkot sa kasong rape laban sa 30-anyos na  babae sa loob ng presinto ang ipinagharap ng reklamo sa City Prosecutors Office, ayon sa ulat kahapon.

Bukod sa kasong kri­minal ay ipinagharap din ng kasong administratibo sa tanggapan ng Internal Affairs Service sa Camp Manuel F. Cabal police headquarters ang mga suspek na sina PO1 Raymond Diaz, PO3 Stevie Rivera, PO3 Diosdado Alterado, PO2 Nelson Abalos, PO1 Ed Mesias at si PO1 Gaylord Calara, mga nakatalaga sa police station 5.

Sinibak na rin sa puwesto bilang hepe ng police station 5 si P/Insp. Nasser Abdurrasul dahil sa command responsibility.

Napag-alaman na mismong ang city police director na si P/Senior Supt. Melchor Cabalza, ang makailang beses ng nagtungo sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) para personal na kausapin ang 30-anyos na biktimang si Raquel Marzan upang udyukan ito na maghain ng kaso laban sa mga pulis.

Si Marzan ay nakakulong ngayon sa BJMP dahil sa kasong RA 9165 (possession of illegal drugs).

Ayon kay P/Senior Insp. Ailyn Cacayorin Rosario, officer-in-charge ng Wo­mens and Children Protection Desk, naganap ang pang­hahalay kay Marzan ng grupo ni PO1 Diaz sa loob mismo ng police station 5 noong Hunyo 29, 2017.

Bandang ala una ng madaling araw ng palabasin umano ni PO1 Calara ang biktimang si Marzan sa selda nito para utusan na itapon ang basura at pagbalik nito ay tinawag naman siya ni PO1 Diaz para papasukin sa opisina kung saan ay nag-iintay sina PO1 Abalos, PO1 Mesias at si PO3 Rivera.

Pagdating sa loob ng presinto ay sinasabing inutusan si Marzan na sumayaw ng hubu’t hubad sa harap ng mga pulis na tinanggihan naman nito pero kalaunan ay pumayag na ang biktima dahil sa labis na takot.

Base pa sa police report, sa kalagitnaan ng pagsasayaw ng biktima ay isa isa na umanong nagsialisan ang mga pulis maliban kay PO1 Diaz na sa pagkakataon na iyon ay sinasabing isinagawa ang maitim na balak nito.

Sinasabing nagmakaawa si Marzan na palabasin na siya ng opisina at mu­ling ikulong sa selda subalit tumanggi si PO1 Diaz.

Gayunman, pinalabas ng selda ang presong si Mark Famisan saka sapilitan sila umanong pinag-sex ni Marzan sa harap nina PO1 Diaz at PO3 Alterado.

Ang nabanggit na mga pulis ay dinisarmahan na kasunod ng pagkakasibak sa kanilang puwesto at kasalukuyang isinailalim na sa restrictive custody.

Itinanggi naman ng mga suspek ang nasabing akusasyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with