^

Probinsiya

Kotse vs bus: Mag-utol dedo

Joy Cantos at Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Kotse vs bus: Mag-utol dedo

Sa ulat ng Quezon Police na nakarating sa Camp Crame, naitala ang sakuna bandang alas-2 ng mada­ling araw.

MANILA, Philippines -  Kamatayan ang sinapit ng magkapatid na lalaki makaraang magbanggaan ang kotse at pampasaherong bus kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay Angeles, bayan ng Atimonan, Quezon kahapon ng mada­ling araw.

Namatay habang ginagamot sa Doña Marta Memorial District Hospital ang magkapatid na sina Salvador Enriquez at Eligio Enriquez.

Sa ulat ng Quezon Police na nakarating sa Camp Crame, naitala ang sakuna bandang alas-2 ng mada­ling araw.

Sa imbestigasyon ng pulis­ya, bumabagtas ang Toyota Revo na minamaneho ni Salvador kasama ang kapatid nitong si Eligio nang makabanggaan ang Pintados Bus Liner na minamaneho ni Ramon delos Santos.

Bago naganap ang sakuna ay bahagyang nahagip ng kotse ng mag-utol ang Metro Manila-bound Philtranco Bus na minamaneho ni Allan Doringo.

Sa lakas ng pagkakabangga ay tumilapon ang SUV na sumalpok din sa ba­randilya sa Maharlika Highway bago ito  tuluyang bumaliktad.

Wala namang naiulat na nasugatan sa mga pasahero ng bus. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with