^

Probinsiya

Guro pinatay ng estudyante

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Napaslang ang 60-anyos na babaeng guro makaraang pagsasaksakin ng isang estudyanteng nag-amok na napatay din sa Barangay Dila, bayan ng Bay, Laguna kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang guro na si Francisca Atienza ng Christian Academy School sa nasabing barangay.

Samantala, kinilala naman ang estudyante na si Jarelle Perez ng Laguna State Polytechnic University (LPSU) sa bayan ng Sta. Cruz at residente ng Brgy. Hanggan sa bayan ng Calauan.

Isinugod naman sa paga­mutan ang mga nasugatang sina Juancho Atienza, 54, mister ni Francisca at Pastor sa Baptist Church Bay Chapter at ang 15-anyos na apo na si Isabelle Ann Raville, 4th year  student sa Christian Academy School.

Sa ulat  ng tanggapan ni P/Senior Supt. Joel Pernito, acting provincial director ng Laguna Police,  bandang ­alas- ­9 ng gabi nang  magtungo ang nag-amok na si Perez  na kumatok at nagsabi pa ng ‘tao po’ sa bahay ng pamilya Atienza.

Gayunman, nang pagbuksan ito ni Juancho ay agad itong pinukpok sa ulo ng estudyante saka pinagsasak­sak at nang makita naman ito ni Francisca ay sumaklolo sa asawa kaya siyang napagbalingang saksakin ng suspek.

Nasindak naman ang apo ng mag-asawa na si Isabelle Ann ay nasaksak din sa braso ng suspek.

Nakipag-agawan naman sa patalim ang pastor sa pagtatanggol sa sarili gayundin sa kaniyang misis  at apo  na nagawa ring masaksak ang suspek na nagtatakbo sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.

Ang suspek ay napatay sa matinding tama ng saksak na tinamo sa katawan habang isinugod naman ng mga kapitbahay sa Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna Hospital ang mga biktima.

vuukle comment

BARANGAY DILA

BAYAN NG BAY

LAGUNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with