^

Probinsiya

6 wanted sa Cagayan Valley, dakma

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

CAMP ADDURO, Tuguegarao City, Cagayan, Philippines – Anim-katao na nahaharap sa iba’t-ibang kasong kriminal ang magkakasabay na nadakip ng mga operatiba ng pulisya sa Isabela at Cagayan, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ni P/Supt. Chivalier Irringan, regional public information officer ng Cagayan Valley Region ang mga nadakip na wanted personalities na sina Samuel Bolusan, 39; Richard Miguel, 46; Marjo Edosor, 21; Jeric Nueva, 18, mga residente ng Isabela; Cornel Caliboso, 23; at Virgilio Tabieros, 63, na kapwa residente naman sa Cagayan.

Armado ng warrant of arrest ay inaresto ng mga operatiba ng pulisya sa magkahiwalay na lugar sina Bolusan sa kasong frustrated murder; Anti-Violence Against Women and Children naman ang kaso ni Miguel; kasong robbery naman sa security guard na si Edosor; dalawang bilang ng panggagahasa laban kay Nueva habang si Caliboso naman ay nahaharap sa kasong illegal logging.

Nanawagan naman si P/Chief Supt. Elieso Rasco, police regional director sa mga residente ng rehiyon 2 na makipagtulungan sa pulis­ya para mas mapadali ang pag-aresto sa iba pang nagtatagong wanted sa Cagayan Valley.

vuukle comment

CAGAYAN VALLEY

DAKMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with