^

Probinsiya

Drug ops: 6 tulak dedo, 6 pa arestado

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Bulagta ang anim na kalalakihan na pawang mga umano’y notoryus na tulak ng shabu habang anim pa ang naaresto makaraang isagawa ng pulisya ang tatlong magkakasunod na anti-drug operation sa mga lugar sa Brgy. Batia, Bocaue, Brgy. Mabolo, Malolos City at Brgy. Bitungol, Norzagaray pawang sa Bulacan kagabi.

Kinilala ang mga nasa­wing suspek na sina Arnold “Avatar” Capareda 23, isang alyas na Baba; kapwa sa Brgy. Batia, Bocaue; Charlie “Charlie”Ayuyao, 23, isang hindi kilalang lalaki, kapwa sa Brgy. Confradia, Malolos City; Reynald “Obet” Lipana at Jose Noli Espayos, pawang residente ng Angat, Bulacan.

Inihahanda naman ang kaso ng mga nadakip na sina Joel Rosales, 21; Jack Jasareno, 20; Joan Capareda, 30; Angeline Ocampo, 26; Jimmy Ocampo, 28 at Hausban Mendoza, 27, pawang mga residente ng Saint Martha Homes, Brgy. Batia, Bocaue.

Dakong alas- 10:30 ng gabi nang mauwi sa engkuwentro ang buy bust operation ng mga tauhan ni P/Supt. Jowel Dela Cruz laban kay Avatar at kasabwat nitong si alyas Baba sa Brgy. Batia makaraang makatunog ang mga suspek sanhi ng pagkasawi ng mga huli. Ala-1:15 naman ng manlaban din sina alyas Charlie at kasabwat nito sa ikinasang operasyon ng mga tauhan ni P/Supt. Heryl Bruno sa Brgy. Mabolo na ikinasawi ng mga suspek.

Samantala, habang ina­abot ng poseur buyer na pulis ang marked money sa mga suspek na sina alyas Obet at Espayos sa madilim na bahagi ng Sito Camino, Brgy. Bitungol habang nakasakay sa isang skeleton type na motorsiklo nang maispatan ng mga suspek ang iba pang nakapalibot na pulis. Dito, tinangka nilang lumaban pero naging maagap ang pulisya na nagresulta ng kanilang kamatayan. 

vuukle comment

MALOLOS CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with