^

Probinsiya

14-anyos todas sa suntok ng 16-anyos

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
14-anyos todas sa suntok ng 16-anyos
Malagim ang sinapit ng isang 14-anyos na binatil­yo matapos siyang mapatay sa bugbog ng 16-an­yos na kasuntukan sa loob ng isang bakeshop na kanilang pinagtatrabahuhan sa Poblacion West, Salug, Zamboanga del Norte nitong Biyernes ng madaling araw.
STAR/File photo

MANILA, Philippines – Malagim ang sinapit ng isang 14-anyos na binatil­yo matapos siyang mapatay sa bugbog ng 16-an­yos na kasuntukan sa loob ng isang bakeshop na kanilang pinagtatrabahuhan sa Poblacion West, Salug, Zamboanga del Norte nitong Biyernes ng madaling araw.

Idineklarang dead-on-arrival sa pagamutan ang biktimang si Jemar Mangayao na nagtamo ng mga pasa at suntok sa halos buong bahagi ng katawan nito.

Ang suspek na itinago naman sa pangalang Freddie, dahil sa isa siyang menor de edad ay ipinasa ng pulisya sa kustodya ng lokal na Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa report, sinabi ni Supt. Rogelio Alabata, Spokesman ng Police Regional Office (PRO) 9, ang biktima at ang suspek na kapwa panadero sa Miracle Bakeshop ay nagkaroon umano ng pagtatalo na humantong sa pambuno at suntukan.

Dahil mas maliit at mahina ay nabugbog nang husto ng suspek ang biktima hanggang sa dumaing ang huli ng paninikip ng paghinga at nawalan ng ulirat. Nagawa pang maisugod sa pagamutan ang biktima pero nabigong maisalba ang buhay nito.

 Ang insidente ay nakunan pa ng CCTV camera na nakakabit sa loob ng nasabing Bakeshop.

vuukle comment

POBLACION WEST

SALUG

ZAMBOANGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with