^

Probinsiya

Mag-asawa, anak kritikal sa pamamaril

SOUNDS FAMILIAR - Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bumati muna ng Manigong Bagong Taon ang apat na hindi kilalang lalaki bago pinagbabaril ang mag-asawa at kanilang anak sa panibagong karahasan sa Barangay Kipit, bayan ng Labason, Zamboanga del Norte kamakalawa ng gabi.

Isinugod sa Labason District Hospital ang mga biktimang sina Lito Agad, 42; Marcelina Agad, at anak na si Jhona Agad, 9.

Ayon sa imbestigasyon, ang mga biktima ay lulan ng motorsiko nang harangin ng mga suspek na binati ang mga ito ng Manigong Bagong Taon saka pinagbabaril.

Ang mga suspek ay mabilis na nagsitakas patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

Naghihinala naman ang pamilya ng mga biktima na ang ka-live-in partner ng 17-anyos nilang anak na babae na si Mervin Partosa ang mastermind sa insidente dahil nagbanta itong uubusin ang kanilang pamilya kapag hindi ito nakipagbalikan sa kaniya.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad para masakote ang mga suspek sa pamamaril.

vuukle comment

MANIGONG BAGONG TAON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with