^

Probinsiya

Ex-kap, utol itinumba sa plantation

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines – Kapwa patay ang isang dating Barangay chairman at kapatid nito makaraang pagbabarilin ng ‘di pa nakilalang gunmen sa mismong rubber plantation nito sa Purok 4, Brgy. Katanayanan, Carmen, North Cotabato kahapon ng umaga. Kinilala ni P/Supt. Bernard Tayong, taga­pagsalita ng Cotabato Police Provincial Office o CPPO ang biktima na sina Jackson Maslog Enad, 52-anyos, may asawa at dating chairman ng Barangay Katipunan sa Kidapawan City at kapatid nitong si Jicky Maslog Enad, 44-anyos, may asawa ng Purok 12, Poblacion, Carmen, North Cotabato. Ayon sa report ni PCI Julius Malcontento, hepe ng Carmen Police, alas-7:00 ng umaga lulan ang dalawa ng kulay puting multicab (MFF 747) habang papasok sila sa minamantinang rubber plantation na nakatakda na sanang i-harvest nang pagbabarilin habang lulan ng nasabing sasakyan. Nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang parte ng kanilang katawan ang mga biktima buhat sa kalibre .45 pistol.

vuukle comment

KAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with