^

Probinsiya

2 pisak sa killer bus

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines – Kamatayan ang sinapit ng 39-anyos na driver at pasahero nito makaraang banggain ng pampasaherong bus ang kanilang traysikel sa kahabaan ng National highway sa Purok 7, Barangay Crossing Rubber sa bayan ng Tupi, South Cotabato, kamakalawa.

Kinilala ang dalawa na sina Alex Mantacayan Mamalabao, 39, driver ng tricycle; at Abdullah Mamalabao Saway, 23, kapwa nakatira sa Saway Subdivision sa Barangay Labangal, Ge­neral Santos City.

Sugatan naman ang isa pang pasahero ng trike na si Saudi Mamalabao Boysan, 19, ng Barangay Dalamasak sa bayan ng Pikit.

Sa imbestigasyon ng Tupi PNP, patungong Koronadal City mula sa General Santos City ang Yellow Bus Lines Inc. na minamaneho ni Danny Alcazar Quijano nang mawalan ito ng kontrol sa manibela kaya dumiretso sa kabilang linya ng highway at nabundol nito ang kasalubong na traysikel ng mga biktima.

Dinala pa sa ospital ang tatlo subalit idineklarang patay ang dalawa habang patuloy ang imbestigasyon.

vuukle comment

NATIONAL HIGHWAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with