^

Probinsiya

NPA attack: Parak dedo, 2 pa sugatan

Pilipino Star Ngayon

CAMARINES NORTE, Philippines – Patay ang isang kagawad ng pulisya habang dalawa pa niyang kasamahan ang nasugatan matapos silang tambangan at paulanan ng bomba at bala ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Sitio Tangag, Brgy. Gangao, Baleno, Masbate kahapon ng umaga.

Sa ulat na ipinarating ni Bicol Police spokesperson P/Sr. Insp. Malu Calubaquib, nakilala ang nasawi na si PO2 Jack Brondial na nasapol ng improvised explosive device (IED) sa ulo habang nilalapatan ng lunas sa Masbate Provincial Hospital ang dalawa pang kasama nito na sina PO1 Warren Amistoso at PO1 Rex Valdemoro.

Sa imbestigasyon, dakong alas-5:00 ng umaga nang makatanggap ng tawag sa telepono ang Baleno Municipal Police Station na diumano ay may natagpuang patay sa tabi ng national highway sa Brgy. Gangao. 

Agad namang rumes­ponde ang mga pulis sa lugar at sa kanilang pagbabalik sa istasyon, dito na sila sinorpresa ng mga rebelde nang sila ay tambangan at paulanan ng IED at mga bala dakong alas 5:40 ng umaga.

Ang sasakyan ng mga pulis ay gumewang-gewang hanggang sa sumalpok sa sementadong pader. Nagawang makaganti ng putok ang mga awtoridad at agad din nakatawag sa kanilang mga kasamahan sa istasyon. Nagkaroon ng engkuwentro na tumagal ng halos 10 minutong hanggang sa umatras ang mga rebelde.

Magugunita na nito lamang araw ng Biyernes, dalawang pulis ang namatay at isang sibilyan ang malubhang nasugatan makaraang tambangan din ng mga NPA sa bayan ng Bulan, Sorsogon. 

vuukle comment

ROMASANTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with