^

Probinsiya

Mayoral candidate, nilikida

Mario D. Basco - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinabulagta ang isang mayoral aspirant matapos itong ratratin ng mga hindi kilalang lalaki sa kanyang bahay sa bayan ng Lantapan, Bukidnon kahapon ng madaling araw. Kinlala ang biktima na si Armando Ceballos ng Barangay Balila at independent candidate na kalaban ni Ernie Devibar ng Bukidnon Paglaum Party. Base sa inisyal na ulat na nakarating kay P/Supt. Surki Sereñas ng Northern Mindanao PNP, pinasok ng mga maskaradong lalaki ang bahay saka pinagbabaril si Ceballos. Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng M16 rifle at M14 rifle habang sinisilip naman ng pulisya kung may kaugnayan sa eleksyon ang naganap na pamamaslang.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with