^

Probinsiya

3 mag-iina, 4 pa natusta sa sunog

Mario D. Basco - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pito-katao kabilang ang 22-anyos na ina at tatlong anak nito ang namatay sa naganap na sunog sa Barangay Pahina Central sa Cebu City, Cebu kahapon ng madaling araw.

Natagpuan ang sunog na bangkay ni Cindy Galvan na nakayakap sa kanyang anak na tatlong linggo pa lamang na gulang na si Rain Cinrick habang ang dalawang anak na sina Star, 2; at Rickcin, 4, ay nasa kanyang tabi.

Sina Maximo Villafuerte, common-law wife na si Rose, 37; at ang 2-anyos na grandaughter na si Jannah ay namatay din sa naganap na sunog.

Ang mag-iinang Galvan ay natagpuang nakaupo malapit sa hagdanan sa ikalawang palapag ng bahay na nirentahan ni Maximo.

Ayon kay SFO2 Noel Opolentissima, nagsi­mula sa apoy sa bahay ng Villafuerte na sinasabing walang supply ng kuryente kung saan gumamit lamang ng lampara.

Nabatid na na-trap ang mag-iina sa ikalawang palapag at hindi na nakababa dahil sa lakas ng apoy sa unang palapag ng bahay.

Nakilala naman ni Ricardo Alvarez ang kanyang mag-iina matapos itong mag-duty bilang housekeeper sa pension house habang sina Maximo, Rose at anak na si Jannah ay kinilala naman ng ina ng babae na si Mariz Belarmino.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with