^

Probinsiya

Columnist sinaksak ng driver

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sugatan ang 61-anyos na tabloid columnist makaraang saksakin ng kinastigong driver sa naganap na mainitang pagtatalo sa Barangay San Vicente sa San Pedro City, Laguna, ayon sa naantalang ulat kahapon.

Ang biktimang si Tony Calvento, Antonio Alberto Calvento  sa tunay na buhay ay dumulog sa pulisya kahapon para ipinagharap ng reklamo ang suspek na si Marcelo Marimon Jr. ng #438 Tuliao Street, Wildcat Village, Taguig City.

Sa ulat ng Laguna PNP na isinumite sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-6:45 ng gabi noong Sabado sa compound ng bahay ni Calvento sa Chrysanthemum Village sa nasabing barangay.

Lumitaw na tinawag ng biktima ang kasambahay na si Nice Calim para utusan si Marimon na pumusta sa pataya sa on-track betting (OBT) kung saan padabog at nagrereklamo namang sinunod ng suspek.

Gayon pa man, pagbalik ng suspek sa bahay ay nagkainitan sa pagtatalo ang dalawa matapos kastiguhin ng biktima ang nagdadabog pa ring driver.

Dito na bumunot ng patalim ang suspek saka sinugod ng saksak ang biktima subalit naagaw naman nito kaya nasugatan ang daliri sa kaliwang kamay.

Nagpasaklolo naman ang biktima sa kaniyang anak na si Jesus Christopher  para tulungan siyang posasan ang suspek.

Nagawa namang itulak ng suspek ang biktima saka mabilis itong tumakas.

vuukle comment

ANG

ANTONIO ALBERTO CALVENTO

BARANGAY SAN VICENTE

CAMP CRAME

CHRYSANTHEMUM VILLAGE

JESUS CHRISTOPHER

MARCELO MARIMON JR.

NICE CALIM

SAN PEDRO CITY

TAGUIG CITY

TONY CALVENTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with