^

Probinsiya

Drug peddler itinumba

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Pinabulagta ang 22-anyos na drug peddler matapos itong ratratin ng hindi kilalang lalaki sa Barangay Poblacion, bayan ng Santa Maria, Bulacan kahapon ng madaling araw. Apat na tama ng bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Cedrick Macajito ng Sitio Tabing-Ilog sa nasabing barangay. Pinaghahanap naman ang suspek na nakilala lamang sa Alyas Gerry na sinasabing nakabili ng shabu sa biktima. Sa imbestigasyon ni PO3 Joey Cabarles, nilapitan at niratrat ng suspek ang biktima habang nakatayo sa harap ng drug store. Nabatid sa kaibigan ng biktima na bago naganap ang pamamaslang ay bumili ng shabu ang suspek subalit hindi ibinigay nito ang P800 sukli. Dito na nagalit ang suspek at isinagawa ang pamamaslang habang narekober naman sa crime scene ang apat na basyo ng bala ang cal. 9mm pistol.

vuukle comment

ALYAS GERRY

ANG

APAT

BARANGAY POBLACION

BULACAN

CEDRICK MACAJITO

DITO

JOEY CABARLES

NABATID

SANTA MARIA

SITIO TABING-ILOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with