^

Probinsiya

Lover ni misis, kinatay ni mister

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines - Patay ang isang matandang lalaki matapos tagain ng isang mister nang maaktuhang nakikipagtalik ang biktima sa misis ng huli  sa Barangay Maligo, Polomolok, South Cotabato kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Police Supt. Joedelito Guisingga ang biktima na si Freddie Cabillan, 64-anyos, residente ng Barangay Maligo, Polomolok.

Pasado alas-6:00 ng gabi habang pauwi umano si Joven Tablo, 31, ng Purok 5, Barangay Landan, nang madaanan ang asawa na nakikipagtalik umano sa 64-anyos na suspek sa isang basketball court. Dahil dito, nagdilim ang paligid ng suspek at agad na sinuntok ang biktima at tinaga gamit ang dalang lagaraw kaya tinamaan ang ulo ni Cabillan.

Agad na sumuko si Tablo sa isang barangay kagawad bago siya idineretso sa pulisya habang ang biktima naman ay dinala sa pagamutan subalit binawian din ng buhay.

vuukle comment

ANG

BARANGAY LANDAN

BARANGAY MALIGO

CABILLAN

DAHIL

FREDDIE CABILLAN

JOEDELITO GUISINGGA

JOVEN TABLO

POLICE SUPT

POLOMOLOK

SOUTH COTABATO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with