^

Probinsiya

Nawawalang mag-asawa, natagpuang kalansay

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagwakas na ang misteryo sa pagkawala noong isang taon ng isang mag-asawa nang matagpuang pawang mga kalansay na at nakabaon sa isang hukay sa Brgy. Salaban, Amadeo, Cavite nitong Huwebes ng hapon.

Kinilala ang mga biktima na sina Eleuterio Bayot at misis na si Maria Victoria,  pawang residente ng Brgy. Dagatan, Amadeo, Cavite.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO)IV A, dakong alas-4:30 ng hapon nang matagpuan at mahukay ang kalansay at bungo ng mag-asawa sa taniman ng pinya sa nasabing lugar.

Napaulat na nawawala ang mag-asawa noon pang Setyembre 1, 2015 na matagal na ring pinaghahanap ng kanilang mga mahal sa buhay at mga kaibigan.

Nagresponde ang Scene of the Crime Ope­ratives (SOCO) sa pamumuno ni Sr. Inspector Amer Magsumbol at narekober sa lugar ang 16 piraso ng magkakahiwalay na kalansay at bungo ng mga biktima, gula-gulanit na pantalon at isang rosary na naka-disenyo na sing­sing.

vuukle comment

ACIRC

AMADEO

ANG

BRGY

CAVITE

DAGATAN

ELEUTERIO BAYOT

MARIA VICTORIA

POLICE REGIONAL OFFICE

SCENE OF THE CRIME OPE

SR. INSPECTOR AMER MAGSUMBOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with