^

Probinsiya

2 nene ni-rape ng banyaga

Pilipino Star Ngayon

PAMPANGA, Philippines – Dalawang menor-de-edad na babae ang minolestiya ng banyagang lalaki sa tinutuluyan nitong bahay sa Friendship Highway sa Barangay Malabanias, Angeles City, Pampanga noong nakalipas na linggo. Bandang alas-12:30 ng hapon nang masakote sa Sitio Magkalinis, Riveside ang 44-anyos na suspek na si Xavier Dupas, French national. Sa police report na isinumite sa Camp Julian Olivas, inaresto ang suspek dahil sa reklamo ng mga magulang ng dalawang nene na edad 8 na sinasabing nahikayat nito saka minolestiya sa kanyang bahay. Nabatid sa mga biktimang mag-aaral sa elementarya na binabayaran sila ng suspek kapalit ng maitim na pagnanasa. Inaresto ng mga opisyal ng barangay sa pangunguna ni Chairman Rey Gueco ang suspek saka dinala sa Angeles City PNP. Pormal nang sinampahan ng kaukulang kaso ang suspek habang nakakulong sa Angeles City PNP.

vuukle comment

ANGELES CITY

BANDANG

BARANGAY MALABANIAS

CAMP JULIAN OLIVAS

CHAIRMAN REY GUECO

DALAWANG

FRIENDSHIP HIGHWAY

INARESTO

NABATID

SITIO MAGKALINIS

XAVIER DUPAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with