^

Probinsiya

Bomb expert utas sa shootout

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napaslang ang sinasabing notoryus na bomber ng Abu Sayyaf Group matapos itong maki­pagbarilan sa mga ope­ratiba ng pulisya sa Sitio Tinambacan, Barangay Maganda sa Lamitan City, Basilan noong Martes ng gabi.

Kinilala ni P/Senior Insp. Gean Gallardo, hepe ng Lamitan City PNP ang napatay na si Jabier Pinglias wanted na bomb expert ng Sayyaf at kabilang sa grupong urban terrorist.

Base sa ulat ng pulisya na nakarating sa Camp Crame, isisilbi sana ng pinagsanib puwersa ng Lamitan City PNP, Basilan Provincial Public Safety Company at Regional Public Safety Battalion ang warrant of arrest laban kay Pinglias nang sumiklab ang bakbakan bandang alas-7:20 ng gabi.

Si Pinglias na bomb expert ay nahaharap sa mga kasong carnapping, pagpatay at pagtutulak ng droga.

Samantala, lumilitaw din sa imbestigasyon na sangkot si Pinglias sa pambobomba sa Lamitan Port Terminal sa Barangay Kulay Bato noong Lunes.

Nagpapatuloy naman ang pagtugis sa mga ka­samahan ni Pinglias na sangkot sa paghahasik ng tero­rismo sa nasabing lalawigan at karatig pook.

vuukle comment

ABU SAYYAF

ACIRC

BARANGAY KULAY BATO

BARANGAY MAGANDA

BASILAN PROVINCIAL PUBLIC SAFETY COMPANY

CAMP CRAME

GEAN GALLARDO

JABIER PINGLIAS

LAMITAN CITY

LAMITAN PORT TERMINAL

PINGLIAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with