^

Probinsiya

Koreano nalunod sa beach

Alex Galang - Pilipino Star Ngayon

OLONGAPO CITY, Philippines – Isang Koreanong turista ang nasawi makaraang malunod sa isang beach resort sa lungsod na ito kahapon. Ayon sa ulat ni Sr. Insp. Mar Joseph Ravelo, Station commander ng Police Station 1, ang biktima ay si Kim Myung Ho, 39,  na nalunod sa Paradito Beach Resort sa Upper Kalaklan ng naturang siyudad. Sa ulat, habang magkasama sina Ho at kaibigang si Jewell David Supan lulan ng isang jetski, may 300 metro ang layo sa dalampasigan nang aksidenteng mahulog ang biktima sa tubig. Tinangka pang sagipin ni Supan si Ho subalit wala na siyang malay-tao nang madala sa pampang. Lasing umano ang biktima nang sumakay sa jetski at walang suot na life vest. Walang nakita ang pulisya na foul play sa pagkamatay ng biktima.

vuukle comment

ANG

AYON

ISANG KOREANONG

JEWELL DAVID SUPAN

KIM MYUNG HO

MAR JOSEPH RAVELO

PARADITO BEACH RESORT

POLICE STATION

SR. INSP

SUPAN

UPPER KALAKLAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with