^

Probinsiya

2 obrero nilamon ng lupa

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang obrero ang nasawi habang kritikal ang kasama nito matapos na sila ay matabunan nang gumuhong lupa habang naglalagay ng drainage system sa itinatayong gusali sa Brgy. Tungkong Mangga, San Jose Del Monte City, Bulacan, kamakalawa ng gabi.

Ang nasawi ay kinilalang si Jimson Pontillos, nasa hustong gulang habang kasalukuyang inoobserbahan sa ospital si Warlito Satajo, kapwa mga stay-in workers sa tinatayong gusali ng isang kilalang mall sa lugar.

Sa imbestigasyon ni PO2 Danilo Atabay dakong alas-7:30 ng gabi ay kasalukuyang nagsasagawa ng malalim na paghuhukay ang backhoe na minamandohan ni Joel Babatio sa isang bahagi ng itinatayong gusali upang ilagay ang isang sementadong kahon bilang daanan ng tubig sa drainage system nito.

Kaagad na bumaba sa malalim na hukay ang da­lawang obrero, upang ilapat sa tamang posisyon ang sementadong kahon ngunit biglang gumuho ang isang parte ng lupa sa kanilang likuran na naging dahilan upang matabunan sila.

Kaagad sumaklolo ang kasamahang obrero at tumagal ng ilang oras bago tuluyang maiahon ang dalawang biktima at agad na isinugod sa ospital.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BRGY

BULACAN

DANILO ATABAY

JIMSON PONTILLOS

JOEL BABATIO

KAAGAD

SAN JOSE DEL MONTE CITY

TUNGKONG MANGGA

WARLITO SATAJO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with