^

Probinsiya

Binoga ang sarili dahil sa hamburger

Pilipino Star Ngayon

CEBU, Philippines – Nagbaril sa sarili ang 29-anyos na lalaki dahil hindi nakabili ng hamburger noong Lunes ng madaling araw sa Barangay Ermita, Cebu City sa Cebu.

Tumagos ang bala ng baril sa batok mula sa noo ni Richard Ram Palermo na duguang bumulagta sa loob ng kanyang nirerentahan bahay sa nasabing barangay.

Sa salaysay ng anak ng may-ari ng bahay na si Reymar Abellar, namataan niyang nag-aaway ang biktima at nobyang si Jovelyn Nayre.

Nang humupa ang pagtatalo ay biglang lumabas ng bahay ang biktima kung saan humingi ng pambili ng hambuger sa kanyang nobya subalit tinanggihan ito.

Dito na kinuha ng biktima ang kanyang baril at nagbantang babarilin ang sarili subalit napayapa naman ni Abellar.

Umalis si Abellar sa pag-aakalang naresolba na ang insidente subalit ilang minuto ang nakalipas ay umalingawngaw ang malakas na putok ng baril kung saan nadatna niyang nakabulagta ang biktima habang umiiyak naman si Nayre.

Kaagad naman naisugod sa Cebu City Medical Center bago inilipat sa Vicente Sotto Memorial Medical Center ang biktima.

Narekober ng pulisya sa crime cene ang dalawang basyo ng bala ang cal. 45 pistol. Freeman News Service

vuukle comment

ABELLAR

ANG

BARANGAY ERMITA

CEBU

CEBU CITY

CEBU CITY MEDICAL CENTER

FREEMAN NEWS SERVICE

JOVELYN NAYRE

REYMAR ABELLAR

RICHARD RAM PALERMO

VICENTE SOTTO MEMORIAL MEDICAL CENTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with