^

Probinsiya

Mag-ama nilamon ng apoy

Nina Cristina Timbang At Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines – Masaklap na kamatayan ang sinapit ng mag-ama makaraang makulong ng apoy sa nasunog nilang bahay sa Barangay 54-M San Roque, Cavite City, Cavite kahapon ng umaga.

Natagpuang magkatabi sa loob ng kanilang bahay ang mag-amang  sina Joel Navarro Sr., 40; at Joel Navarro Jr., 20, kapwa nakatira sa #724 R. Basa Street sa nasabing lungsod.

Ang matandang Na­varro ay natusta ang katawan habang idineklara namang patay sa Bautista Hospital sa Cavite City ang batang Navarro na isinugod sa paga­mutan ng mga tauhan ng Philippine Red Cross.

Sa imbestigasyon ni SFO3 Jose Caraos ng Bureau of Fire Protection ng Cavite City, naganap ang sunog bandang alas-5:25 ng umaga.

Nabatid na mahimbing pang natutulog ang mag-ama nang sumiklab ang sunog kung saan nakulong ang mga ito sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.

Nabigong mailigtas ang mag-ama dahil nababalutan na ng apoy ang buong kabahayan.

Naapula naman ang sunog bandang alas-6:24 ng umaga kung saan naitala sa P3 milyong halaga ng ari-arian ang napinsala habang patuloy ang imbestigasyon.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BASA STREET

BAUTISTA HOSPITAL

BUREAU OF FIRE PROTECTION

CAVITE CITY

JOEL NAVARRO JR.

JOEL NAVARRO SR.

JOSE CARAOS

M SAN ROQUE

PHILIPPINE RED CROSS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with