^

Probinsiya

Mag-asawa, anak patay sa killer kotse

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Sinalubong ni kamatayan ang mag-asawa at anak nitong lalaki matapos salpukin ng rumaragasang kotse ang sinasakyan nilang traysikel sa Barangay 3, bayan ng San Nicolas, Ilocos Norte noong Linggo ng tanghali. ?

Sa ulat ni PO3 Elyzer Tuzon, hepe ng San Nicolas Traffic Division, kinilala ang mag-asawa na sina Eduardo Laguardia Sr., 33; Loreline Laguardia, 33; at ang anak na si Eduardo Laguardia Jr., 2.?

Naisugod pa sa Gov. Roque Ablan Sr. Memorial Hospital ang mag-anak subalit idineklarang patay.

Kritikal naman ang driver ng kotse na si Maximo Domingo, 57; at ang kasama nitong si Marlon Agodon, 36.

Lumalabas sa imbestigasyon na umagaw ng linya ng mag-overtake sa isa pang sasakyan ang kotse ni Domingo kaya nasalpok ang kasalubong na traysikel ng mga biktima.?

Sa lakas ng impact ay nagkapira-piraso ang traysikel matapos tumilapon ng ilang metro ang sakay nitong pamilya sa kalsada.

Total wreck naman ang kotse (TGF-342) kung saan kinailangang ilipat sa Mariano Marcos Memorial Hospital si Domingo dahil sa maselan nitong kalagayan.

vuukle comment

ANG

DOMINGO

EDUARDO LAGUARDIA JR.

EDUARDO LAGUARDIA SR.

ELYZER TUZON

ILOCOS NORTE

LORELINE LAGUARDIA

MARIANO MARCOS MEMORIAL HOSPITAL

MARLON AGODON

MAXIMO DOMINGO

ROQUE ABLAN SR. MEMORIAL HOSPITAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with