^

Probinsiya

Magkalaguyo niratrat

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Napatay ang 43-anyos na mister habang kritikal naman ang ka-live-in nito makaraang pagbabarilin ng mga hindi kilalang lalaki sa bayan ng Sominot, Zamboanga del Sur kamakalawa ng gabi. Labingtatlong bala ang tumapos sa buhay ni Edwin Canillo habang isinasalba naman ang buhay Vivian Barete sa Mhars Hospital sa Pagadian City kung saan tinamaan ito sa ulo. Sa ulat ng pulisya na nakarating sa Camp Crame, naganap ang pamamaril sa bisinidad ng Purok 4 sa Brgy. New Carmen dakong alas-10 ng gabi. Armado ng hindi pa natukoy na kalibre ng baril ay pinagbabaril si Canillo kung saan nadamay naman ang ka-live–in nito habang patuloy naman ang imbestigasyon.

vuukle comment

ANG

ARMADO

BRGY

CAMP CRAME

CANILLO

EDWIN CANILLO

LABINGTATLONG

MHARS HOSPITAL

NEW CARMEN

PAGADIAN CITY

VIVIAN BARETE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with