^

Probinsiya

3 kritikal sa rambulan

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Tatlo-katao ang nakikipagbuno kay kamatayan makaraang magrambulan ang dalawang grupo ng kalalakihan kaugnay sa pasiklaban ng kantahan sa videoke bar sa Barangay Turod Sur, bayan ng Cordon, Isabela kamakalawa. ?

Kinilala ang mga biktima na sina Joshue Niday, 20; Christopher Acosta, 23; at utol nitong si Jefferson Acosta, 20, mga nakatira sa nasabing lugar. ?

Base sa police report na isinumite kay P/Chief Insp. Ronnie Naira, hepe ng Cordon PNP, sinampal ni Niday ang isa sa grupo ng suspek na sinasabing nilalait ang kasama nitong si Christopher Acosta habang kumakanta. ?

Nagmistulang paliparan ang loob ng Olive’s Videoke Bar sa mga nagliparang upuan at bote hanggang hu­mantong sa grabeng pagkasugat ng magkakaibigang pinagsasaksak.?

Isinugod ang mga biktima sa pagamutan sa Santiago City habang agad nadakip ng pulisya ang dalawa sa mga suspek na sina Jerry Taguibuya, 26; at Delson Esco, 21, na kapwa nahaharap sa kasong frustrated murder.

vuukle comment

ANG

BARANGAY TUROD SUR

CHIEF INSP

CHRISTOPHER ACOSTA

DELSON ESCO

JEFFERSON ACOSTA

JERRY TAGUIBUYA

JOSHUE NIDAY

RONNIE NAIRA

SANTIAGO CITY

VIDEOKE BAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with