^

Probinsiya

Magkapitbahay, itinumba

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Pinabulagta ang magkapitbahay na lalaki matapos na pagbabarilin ng tatlong hindi kilalang lalaki sa harapan ng kanilang bahay sa Brgy. Gumaok Central, San Jose Del Monte City, Bulacan kamakalawa ng gabi. Kinilala ang mga biktima na sina David Pombo, 48, traysikel drayber at Salvador Uson Jr., 40, kapwa nakatira sa nasabing barangay. Tinutugis na ng pulisya ang mga suspek na tumakas patungong Quirino Highway sa Brgy. Tungkong Mangga lulan ng traysikel. Base sa ulat ni PO1 Ritchie Militante, nag-uusap ang mga biktima kasama ang isa pang kapitbahay na si Jefferson Manuel sa harap ng kanilang bahay nang biglang dumating ang traysikel ng mga suspek saka isinagawa ang pamamaril. Hindi naman sinaktan si Manuel na nabigla sa nasaksihang pamamaril kung saan narekober sa crime scene ang anim na basyo ng cal. 45 psitol.

vuukle comment

ANG

BRGY

BULACAN

DAVID POMBO

GUMAOK CENTRAL

JEFFERSON MANUEL

QUIRINO HIGHWAY

RITCHIE MILITANTE

SALVADOR USON JR.

SAN JOSE DEL MONTE CITY

TUNGKONG MANGGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with