^

Probinsiya

Hilux vs 2 motorsiklo, 1 patay, 1 malubha

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

SOLANO, Nueva Vizcaya, Philippines – Isa ang patay habang isa ang malubhang nasugatan matapos sumalpok sa isang Toyota Hilux ang dalawang motorsiklo sa bayang ito kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Christian Andaya, 25, ng Barangay Roxas, Solano habang ang sugatan ay nakilalang si Ha­rold Ian Alcantara, 26, ng Barangay Curifang sa nabanggit na bayan.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na dakong ala-1:30 ng hapon habang magkasunod ang motorsiklo na sinasakyan nina Andaya at Alacantara nang bigla umanong lumiko ang kasalubong na Toyota Hilux (SGA 242) na pag-aari ng Local Government Unit ng Kasibu, Nueva Vizcaya at minamaneho ni Dominador Topinio, 58,ng Barangay Alloy, Kasibu.

Una umanong sumalpok ang Yamaha Mio (H6779) na minamaneho ni Andaya kung saan pumailalim pa ito sa loob ng Hilux.

Agad na nasawi si Andaya habang inoobserbahan sa kasalukuyan si Alcantara sa MMG hospital sa nasabing bayan.

Agad naman na sumuko ang driver ng Hilux sa pulisya matapos ang insidente.

vuukle comment

ANDAYA

ANG

BARANGAY ALLOY

BARANGAY CURIFANG

BARANGAY ROXAS

CHRISTIAN ANDAYA

DOMINADOR TOPINIO

HILUX

IAN ALCANTARA

KASIBU

TOYOTA HILUX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with