^

Probinsiya

Police station, grinanada

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines – Pinasabog ang himpilan ng pulisya sa bayan ng Alabel sa Sarangani matapos itong hagisan ng granada ng dalawang hindi kilalang lalaki na lulan ng motorsiklo noong Sabado ng gabi. Basag ang mga salamin ng bintana ng police station kung saan tiyempo namang nasa likuran ng police station ang mga pulis na naka-duty kaya walang nasugatan. Sinubukang habulin ng mga pulis ang grenade thrower subalit bigong maabutan. Sa inisyal na ulat na nakarating kay P/Chief Insp. Arnold Montesa, hepe ng Alabel PNP, dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo ang huminto sa harap ng himpilan saka inihagis ang granada. Bumagsak ang granada sa loob mismo ng gate kung saan ito sumabog.

vuukle comment

ALABEL

ANG

ARNOLD MONTESA

BASAG

BUMAGSAK

CHIEF INSP

GRANADA

PINASABOG

SABADO

SARANGANI

SINUBUKANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with