^

Probinsiya

NPA attack: 2 utas, 5 sugatan

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines – Dalawa-katao ang napatay habang lima naman ang nasugatan makaraang sala­kayin ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang bayan ng Lake Sebu sa South Cotabato kamakalawa ng gabi.

Sa ulat na nakarating kay P/Chief Insp. Joven Bagaygay, hepe ng Lake Sebu PNP, bago naganap ang insidente ay nakipagbakbakan muna ang mga rebelde sa grupo ng mga barangay tanod sa Sitio Lamsuging, Barangay Lam­fugon sa nasabing bayan.

Gayon pa man, naubusan ng bala ang mga barangay tanod kaya nakapasok ang NPA rebs kung saan sinunog ang mga heavy equipment ng Gemma Construction.

Matapos ang panunu­nog, tinungo naman ng mga rebelde ang gusali ng San Miguel Energy Corporation sa Barangay Ned kung saan dalawa-katao ang pinatay kabilang ang security guard na si Oka Diwasim.

Isa sa sinisilip ng pulis­ya na motibo ng NPA ay panghihingi ng revolutio­nary tax at ang nalalapit na anibersaryo ng Communist Party of the Philippines (CCP)-NPA sa Disyembre 26, 2015.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BARANGAY LAM

BARANGAY NED

CHIEF INSP

COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES

GEMMA CONSTRUCTION

JOVEN BAGAYGAY

LAKE SEBU

NEW PEOPLE

OKA DIWASIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with