^

Probinsiya

Collector patay sa holdaper

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Napaslang ang 32-anyos na lending collector na naniningil ng mga pautang matapos itong barilin ng tatlong holdaper sa Barangay Pulong Buhangin, bayan ng Santa Maria, Bulacan kahapon.

Tatlong tama ng bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Reynante Tabora, binata at nakatira sa Pasomil, Barangay Kaypombo sa nasabing bayan.

Kaagad namang tumakas ang mga holdaper lulan ng dalawang motorsiklo patungo sa direksyon ng Barangay Balasing.

Ayon kay P01 John Carlo Clemente, patungo sa opisina ang biktimang lulan motorsiklo mula sa pangongolekta ng pautang nang harangin ng dalawang motorsiklo na lulan ng tatlong holdaper pagsapit sa KM38 sa Sitio Bilucao II.

Gayon pa man, nanlaban ang biktima kaya napilitan ang mga holdaper na putukan siya saka tumakas bitbit ang sling bag na naglalaman ng mala­king halaga na koleksyon.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

BARANGAY BALASING

BARANGAY KAYPOMBO

BARANGAY PULONG BUHANGIN

BULACAN

JOHN CARLO CLEMENTE

REYNANTE TABORA

SANTA MARIA

SITIO BILUCAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with