^

Probinsiya

11-anyos nene patay sa gang rape!

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang 11 anyos na batang babae matapos na halinhinang halayin at pinatay ng tatlong lalaki  sa isang liblib na lugar  sa Barangay Gui­banuahan, Balud, Masbate kamakalawa.

Ang biktima na itinago sa pangalang Jasmine ay natagpuan ng isang isang Rodery Benoman dakong alas-9:30 ng umaga na walang saplot ang katawan, may tali ng sinturon sa leeg at nakahandusay sa liblib at madamong lugar ng naturang barangay. Agad na ipinagbigay-alam sa magulang ng biktima at pulisya ang insidente.

Sa pagsisiyasat, natukoy ang isa sa suspek na Alvin Velarde, 21, at sa interogasyon, inginuso nito ang dalawa pa niyang kasamahan na sina Nobe Mesa at Marlou Fuentes, pawang nasa hustong gulang at re­sidente sa lugar na ngayon ay pinaghahanap ng mga awtoridad.

Nabatid ng pulisya na una nang ginahasa ng mga suspek ang biktima sa kanilang bahay habang wala siyang kasama subalit sa takot ay hindi nagsumbong sa magulang.

Muli umanong inabangan ng mga suspek ang biktima at halinhinang ginahasa sa nasabing lugar kamalawa. Posible umanong nagtangkang pumalag ang bata at nagsisigaw kung kaya siya pinatay ng mga suspek sa pamamagitan ng pagsakal sa leeg nito ng sinturon.

vuukle comment

ACIRC

ALVIN VELARDE

ANG

BALUD

BARANGAY GUI

MARLOU FUENTES

MASBATE

MULI

NABATID

NOBE MESA

RODERY BENOMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with