^

Probinsiya

Maporma, inutas sa inuman

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Philippines - Naging mitsa ng kamatayan ng 46-anyos na mister ang pagiging maporma nito matapos itong pagsasaksakin ng senglot na kainuman sa Sitio Sampaloc Lake, Barangay Malabanban Norte sa bayan ng Candelaria, Quezon kamakalawa ng hapon. Dalawang saksak sa leeg ang tumapos sa buhay ni Joseph Acupiado ng Barangay Balubal sa bayan ng Sariaya, Quezon habang tugis naman ang suspek na si Homer Curtado, 38, ng nabanggit na barangay. Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Art Brual Jr., hepe ng Candelaria PNP, binisita ng biktima ang kanyang kaibigan at nakipag-inuman sa bahay ni Margarita Cuevas. Nang malasing ang suspek ay pinuna nito ang pagiging maporma ng biktima hanggang sa mauwi sa mainitang pagtatalo. Gayon pa man, pumunta sa kusina ng bahay ang suspek at nang bumalik  ay sinaksak ng dalawang beses ang biktima.

vuukle comment

ANG

ART BRUAL JR.

BARANGAY BALUBAL

BARANGAY MALABANBAN NORTE

CANDELARIA

DALAWANG

HOMER CURTADO

JOSEPH ACUPIADO

MARGARITA CUEVAS

QUEZON

SITIO SAMPALOC LAKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with